Ang lahat ng tao ay namamatay. That is a general truth, in short, fact. Kilala na rin ang kasabihang “Change is the only permanent thing in this world”. Hangtaray lang nung pag-English pero totoo daw iyon kaya maraming naniniwala sa kasabihan na iyon. Kaya uulitin ko, lahat ng tao namamatay. Nawawala. Buhok, kilay, paningin, panlasa, virginity, kabaitan, pera, pagkain, pati mga kuko namamatay din. Minsan nga iniiyakan din ng mga tao yung mga maiitim nilang tuhod. Pati pala yung freshness sa kili – kili nawawala. Pati pag-ibig mabilis na ring mawala. Minsan yung forever niya 3 linggo lang. Nagpauto ka naman. Maraming tao na ang nakaranas niyan, kaya naman para silang mga ampalayang bitter na nagsasabing “WALANG FOREVER!!!”
Pero parang may nakalimutan ata tayo. Yung LOVE ni Lord kahit kailan hindi mawawala. So may forever. Meron pa rin. Kaso may mga taong Atheist, kaya para sa kanila, walang forever. Eh bakit may mga jowa sila? Edi ibig sabihin gusto rin ng mga tao na may makasama HABAMBUHAY. Kasi kung hindi, edi laro laro lang yung pag-ibig? Aba matindi.
So anong pinaglalaban ko dito? Tara magbasa at mabuwisit. -___-