Follow for everyday update. 😉 "I'm sorry Miguel, I'm tired. Maghiwalay na tayo." Iyon lamang ang sinabi ni Alona, kasintahan niya ng halos tatlong taon, nang magpasya itong makipaghiwalay sa kanya pagkatapos ay umalis ito patungong ibang bansa nang walang paalam at hindi na nagparamdam pa. Hindi iyon matanggap ni Migz. Hindi niya magawang makausad. Ang daming bakit sa kanyang isip ngunit wala siyang makuhang sagot. Isang araw ay ipinasya niyang tapusin ang paghihirap ng kanyang kalooban at tinangkang tumalon sa rooftop ng tinutuluyang apartment. Naudlot ang kanyang pagtalon dahil sa pagpigil ng isang maliit at bungangerang babaeng nagngangalang Daisy na kalilipat lang sa naturang apartment. Hindi niya alam kung magpapasalamat siyang nakilala niya ito sapagkat unang araw pa lang ay sakit na ito ng ulo.