Anong mararamdaman mo kung yung pagdiriwang na paborito at hinihintay mo taon-taon ay magpapaalala lamang sayo ng malungkot na trahedya? Yung taong mahal mo at pinapahalagahan mo ay nag-aagaw buhay na sa harap mo ngunit wala ka nang nagawa. Pumikit na siya, sumuko siya at wala man lang akong nagawa para mailigtas siya.