About the Book Ginawa sila para palakasin ang hukbong militar. Binuhay sila para magbigay ng karagdagang lakas at seguridad sa bansa. Pero dahil sa kapabayaan, sila ang naging dahilan ng pagkaubos ng sangkatauhan. Gayunpaman, lingid ito sa kalaaman ng lahat, lalong-lalo na sa dalawang matalik na magkaibigan na sina Balfour Horne at Porter Lang. Mga ordinaryo lang naman silang mga binata na may ordinaryong pangarap sa buhay. Pero hindi nila alam na ang inakala nilang ordinaryong unang araw sa kolehiyo, ay isa palang simula ng isang ekstraordinaryong trahedya. Wala silang ibang nagawa kundi ang tumakas at magtago mula sa kagat at kalmot. Ang tanging layunin nila ay mabuhay at maging ligtas araw-araw. Ngunit taliwas sa isipan nila ang katotohanang sa simula pa lang... hindi na pala sila ligtas. *** Genre: Sci-Fi, LGBT (Yaoi/BL), Gore Word count per chapter: Approx. 3,000 words Overall word count: Approx. Status: Completed Tags: #Nematoda #infection #evolution #redemption #yaoi #boyslove #parasite #zombie #government #bioweapons #abilities #pandemic #quarantine Official Hashtag: #Nematoda *** "Tsaka interesting din yung story and genre nung nematoda noh. ang mature pa ng writing style." - @theredspot "Maganda naman sya kaso bitin hehehehe actually isang araw ko lang natapos basahin hejehehehehee pero maganda talaga lalo na more on science jusko HAHAHA" - @yaoi_niiiAll Rights Reserved