I love writing poems/mga tula kasi heto lang ang nakakagamot sa aking isipan kapag puno na ng mga bagay na nakakabagabag sa aking buhay at kapag masyado nang mabigat ang aking damdamin. Ipagpaumanhin niyo nalang ang aking mga pagkakamali sa ayos ng aking mga salita o pangungusap dahil yung iba't aking sinadya; Para sa akin, minsan gaya lamang ng isang uod na paro-paro ang cocoon ay hindi ganoong kagandahan ngunit pagkatapos netong ibalot ang kanyang sarili sa hindi kaakit-akit na cocoon ay darating ang araw na siya ay maituturing na isang karikitan at makulay na nilalang sa mga mata ng mga nakaka-appreciate sa kanya.
59 parts