NASA NOVELAH PO ANG COMPLETE STORY NITO. IF WALA PA KAYONG NOVELAH APP, SEND ME A MESSAGE HERE PARA IBIGAY KO ANG LINK SA INYO FOR BONUS POINTS. FREE NINYO LANG PO ITONG MABABASA SA FAMEINK. THANKS! Matagal nang may gusto si Zyline kay Nick. Anim silang magkakabarkada kasali si Nick. Alam na ng lahat ang pagtatangi nya sa kaibigan maliban na lang yata dito. Hindi nya alam kung manhid lang ito or talagang wala lang gusto sa kanya. Si Brent ang pinaka-bestfriend nya sa lahat ng mga kaibigan nya at kahit hindi nya sinasabi dito ang nararamdaman kay Nick dahil sa hiya ay alam din nito iyon. Paano kung isang gabi ay hinalikan siya ni Brent at sinabing subukan nila? Hindi nya maikakaila ang kuryenteng naramdaman nang halikan siya nito. Pinagbigyan nya ito sa gusto nitong mangyari. Susubukan nilang maging sila pero palihim. Ngayon ay litong-lito na siya. Sa pag-aakala ni Brent na si Nick pa rin ang gusto nya ay bigla itong umalis at hindi na nagpakita. Saka naman siya niligawan na nang tuluyan ni Nick. Pero bakit sa halip na maging masaya at sa wakas ay napansin na rin siya ni Nick bilang babae ay si Brent na ang hinahanap ng puso nya? Si Brent na hindi na nagparamdam sa kanya mula nung gabing muntik nang may mangyari sa kanila.All Rights Reserved