Mahal kita pero ayokong maging hadlang sa pag-abot mo ng mga pangarap mo. Kaya kong magtiis na masaktan, magtiis na wala sa tabi mo, magtiis na makita ka lang mula sa malayo, magtiis na lamunin ng kalungkutan at pagsisisi higit sa lahat kaya kong pigilan yung nararamdaman ko matupad lang ang mga pangarap mo na ang nag-iisang hadlang ay ako. Gusto kong maging masaya ka, pero ng iwan kita nalimutan mo nang ngumiti at maging masaya. Ken Mahal kita pero ayokong mahalin mo ko, dahil ayokong iwan mo nalang ang mga pangarap mo, para sa isang kagaya kong walang kayang gawin kundi ang tignan ka lang mula sa malayo... I love you Ken Suson, ngumiti ka na Kasi masaya ako para sayo.:<