Sa buhay Arkitekto hindi basta marunong kang gumuhit, kailangan maganda ang kalusugan mo. Kailangan palagi kang may baong armas. Kailangan mabilis kang matuto. Kailangan hindi ka mareklamo sa puyatan. Kailangan hindi ka nawawalan ng diskarte sa bagay bagay. At kailangan gusto mo talaga ang propesyon na ito at hindi lang dahil ikakayaman mo ito.