Sabi nila, kung gaano mo raw kinamumuhian ang isang tao ay gano'n mo rin daw sila kamahal, at iyon ang salitang nilunok ni Laze sa paglipas ng panahon. Noon pa man ay naiinis na si Laze sa kaniyang kababatang si Callian. Palagi siya nitong binubuwisit at inaasar, ngunit tila nga mapaglaro ang tadhana dahil sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi niya namalayang nahulog na ang loob niya sa binata. Tulad ng isang magnet na may negatibo't positibong parte, magtagpo kaya ang kapalaran nila o paglalayuin sila ng tadhana dahil sa pagpasok ng isang karakter sa pagitan nilang dalawa? Date Started: March 25, 2021 Date Finished: September 29, 2022
More details