WATTYS 2021 WINNER
The 1st Novel from the 'One World Empire' Series
"Bakit kung sino pa ang siyang tunay na nagmamahal sa bayan, siya pa ang nililitis sa ilalim ng hindi makatarungang hustiya."
Ang mga salitang ito ang tumatak sa isip ni Ino sa panahong bago mapatay ang kanyang itinuturing na ama na si Padre Inocencio taong 1893. Dahil sa pagkakapatay mula sa hindi makataong paglilitis ng mga Espanyol sa kanyang pinakamamahal na ama, bumuo ng sikretong samahan si Inocencia o Ino.
Sa hindi inaasahan, napatay si Ino ng mga sundalo ni Aguinaldo matapos harangin ang pag-aresto kay Andres Bonifacio noong April 26, 1897. Pero matapos ang daang taon, muling nabuhay ang pagiging makabayan ni Ino nang magising siya sa isang lugar na minsan na niyang napuntahan - ang Intramuros.
Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata, nakita ni Ino na nasa ibang panahon siya, 2993, at ang tanging naiwang alaala lang ay ang pagkamatay ng kanyang ama na si Padre Inocencio.
Nabuhay muli si Ino para ipaglaban ang tama at kung muli man siyang mamamatay, muli rin siyang bubuhayin ng isang Secret Society na kinabibilangan ng mga scientist at dating mandirigma ng Pilipinas. Sino nga ba sila at ano ang kanilang layunin?
(UNEDITED VERSION)
SEQUEL OF THE NOVEL 'INOCENCIA' (FROM THE 'ONE WORLD EMPIRE' SERIES)
Nahanap ni Ino ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na katauhan at kung paano siya napadpad sa taong 2993 mula sa pinanggalingang Spanish Colonial Era noong 1893. Ngunit humarap si Ino sa mga pagsubok kung saan napamahal sa lalaking trumaydor sa kanya.
Nang malaman ang dahilan kung bakit siya muling binuhay ng isang Secret Society, dito niya sinubukang pabagsakin ang gobyernong umaalipin sa mga Pilipino sa ilalim ng Emperial China ngunit nabigo siyang mapatay ang presidente at makuha ang kapangyarihan.
Sa bagong yugto ng kanyang pakikipaglaban, nawala muli ang kanyang alaala matapos ang Civil War na "Cetral Manila War" taong 2995. At ang bagong misyon ni Ino: hanapin ang ilan pang kasamahan noon sa Katipunan na kanyang binuo, ang Ultima.
Sa paghahanap ay muli niyang makakaharap ang dating lalaking minahal ng lubos at sa huli, hindi lang ito ang balakid sa tagumpay kundi ang sarili at ang mismong kakampi.