Chasing the unreachable
Sa mundo ni Serena Villafuerte, lahat ng bagay ay may presyo-kasama na ang pag-ibig. Lumaki siyang hinahangaan ngunit hindi kailanman tunay na nauunawaan. Ngunit nang dumating si Adrian Monteverde, ang lalaking tila kayang abutin ang hindi maaabot, unti-unting nagbago ang kanyang pananaw.
Ngunit hindi lahat ng kwento ay may kasiguraduhan. Sa pagitan ng pag-ibig na hindi matiyak at damdaming hindi maipaliwanag, dumating si Elijah Navarro-ang matalik niyang kaibigan na matagal nang naroon, tahimik na nagmamahal sa kanya sa kabila ng lahat.
Habang tinutuklas ni Serena kung sino nga ba ang tunay niyang hinahabol, matutunan kaya niyang harapin ang katotohanan? O mananatili siyang habambuhay na humahabol sa isang pag-ibig na hindi kailanman magiging kanya?