Nagmahal . . .
Naghintay . . .
Ginawa kang paksa.
Minahal kita sa hindi inaasahang oras
Hindi napansin ang oras na lumilipas
Sa tuwing kausap ka'y puso'y umaalpas.
Dumating ang araw na dapat ka nang lumisan
Nangakong ako'y iyong babalikan
Naghintay ako't pangako mo'y pinanghawakan.
Nadurog na pangako
Winasak ang puso
Taksil ka! Bakit ako'y iyong binigo?
Ginawa kitang paksa sa isandaang tula
Bawat bilang ay puno ng sakit at ala ala
Pagsapit ng isandaan ay kakalimutan na kita.
Want to ask me questions? See my behind the scenes? Even see my upcoming story sneak peeks?
Here you can request for a chapter read request as well as critique. There's even something better-talking to me about anything you want!