"Ang maging isang kakaibang nilalang ay sadyang napakahirap. Kinakatakutan at pinandidirihan ng lahat. Si Leandro Villavicencio, anak ng isa sa mga tanyag na negosyante sa kanilang bayan, ngunit dahil sa kanyang kaibahan, maraming may ayaw at lumalayo sa kanya. Tila walang puwang ang kanyang kabaitan sa paningin ng lahat." "Hanggang sa makikilala nya ang babaeng babago sa kanyang tadhana. Si Yoranda Galvez, anak ng pinuno ng hukbong-pandagat. Lumaki sa larangan ng pakikipag-laban at sandatahan kung kaya't bihasa at kakaiba ang kanyang taglay na kakayahan at lakas bilang babae." "Sa kanilang pagtatagpo, may magbabago nga ba sa kanilang kapalaran? Ang nakatadhana bang mangyari ay mababago ng kanilang wagas na pag-iibigan?" ------------------------------------------------- May pagkakahawig sa kultura at kasaysayan ng bansang Timog-Korea ang nobelang ito. Hindi man kopyang-kopya ang kanilang kasaysayan, nais ko lang ibahagi na iyon ang pinagbasehan at inspirasyon ko sa istoryang ito. Maraming salamat. -------------------------------------------------- DINASTIYANG JOSEON (1592-1598)
4 parts