Twitches Of Love
  • Reads 53
  • Votes 2
  • Parts 1
  • Reads 53
  • Votes 2
  • Parts 1
Ongoing, First published Feb 23, 2021
Mature
Ang pagkakaroon ng sakit na Tourette Syndrome ang siyang naging dahilan upang ikahiya si Thalla ng kaniyang ina na isang dalubhasa na manggamot o doktor. Taglay ng dalaga ang sakit na ito simula ng siya ay apat na taong gulang. Para sa ina ay isa siyang kahihiyan sa pamilya dahil sa kanilang apat na magkakapatid tanging siya lang ang may karamdamang taglay. Upang hindi makasira sa reputasyon ng ina minabuti na lamang na dalhin  si Thalla sa isang pribadong isla na kung saan pagmamay-ari ito ng ama na isang politiko.

Bagaman ang isipan ng dalaga ay normal at may angkin na kagandahan hindi maiiwasan na may magkutya at pagtawanan ang dalaga dahil sa kakaibang kilos at pananalita nito. Simula na mangyari ang trahedya ay pinasya ng ama na doon sa isla na manatili ang dalaga kasama ang mga kasambahay, yaya at isang pribadong tagapagturo.

Hanggang isang araw dumating ang hindi inaasahang pangyayari na halos ikamatay ng dalaga nang sumpungin ng kaniyang sakit sa kalagitnaan ng karagatan. Sakay ng kanilang pribadong yate. Nahulog si Thalla sa tubig at wala kahit na isa sa mga kasama niya ang nakapansin, Sa kabutihang palad, sakay ng jetski ang lalaking nakakita sa kanya mula sa pagkakahulog at agad siya nitong sinaklolohan. Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Juanico Miguel ang nagmamay-ari ng katabing isla na malapit sa pampang.

Sa unang pagkakataon ang puso ng dalaga ay natutong umibig sa lalaking nagligtas ng kaniyang buhay. Nagkaroon ng dahilan ang dalaga upang magtungo sa isang therapist upang mapadali ang kaniyang pagpapagaling. Ngunit ano ang maaasahan ng dalaga sa lalaki kung hindi ito marunong magmalasakit sa kapwa at takot sa isang responsibilidad?

Magagawa nga kayang mahulog ang loob ni Juanico at mahalin kalaunan ang dalaga gayun alam ng lahat na panghabambuhay na responsibilidad na maituturing ang isang katulad ni Thalla na may Tourette syndrome?
All Rights Reserved
Sign up to add Twitches Of Love to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
AMOROUS AGREEMENT cover

AMOROUS AGREEMENT

78 parts Complete Mature

When Attorney Raiven Valiz finds himself in trouble with one of his cases, his life is threatened and a bounty is put on his head. To protect him, the government sends the dazzling and charming Scout Ranger Keiran Sanford. He's exceptionally good at his work and he's a good cook...except that he's the same guy Raiven kissed at a bar two years ago. ****** Attorney Raiven Valiz is cold and indifferent, the kind of lawyer who would defend anyone, good or bad, with money - to him, money was the center of his world, and everything else was a waste of his time. But when a certain Scout Ranger is sent by the government to protect him, Raiven thinks Keiran's piercing blue eyes and sexy smile are far more deadly and dangerous than the criminals after his life, especially when he makes Raiven feel different emotions he's never felt before. To come to terms with Raiven's confused feelings for him, Keiran proposes an agreement Raiven can't reject...an amorous agreement. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. COVER DESIGNER: Regina Dionela Lineart: Marjorie Medino