Matatagpuan ni Felicidad ang kanyang sariling bihag ng mga Hapon kasama pa ang ilang mga kababaihan. Nang tuluyang masakop ang bansang kanyang minamahal sa ikatlong pagkakataon, naglaho ang kaniyang pangarap para sa sarili na para bang isa lamang itong alikabok. Napuno ng poot at galit ang kanyang puso, paghihiganti ang salitang walang tigil na sinasabi ng kanyang isipan, ngunit dahil sa mga naranasan niya sa mga pagsubok sa buhay, tila walang lakas ang kanyang katawan para lumaban.
A month before the tragedy starts, Felicidad, an orphan, will find herself falling for a man she never thought she'll fall for. The story sets in 1940s. The story will not only revolve around Felicidad but also with her new found friends and the family she loves.
BABALA: Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang ngunit maselan. May mga kaganapang maaaring hindi magustuhan ng mga mambabasa, maiintindihan ng may akda kung ititigil ang pagbabasa hangga't hindi pa dumarating sa may maselang parte ng istorya.
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos