Ang akala niya ay kapag nagmahal ka dapat magmahal ka ng labis. Pero ang salitang iyon ay hindi pala para sa kanya. Para pala iyon sa taong nagmamahalan. Sa sitwasyon niya, siya lang ang nagmahal. Siya lang ang nagmahal ng labis at siya lang ang nasaktan ng labis. Akala niya iyon na ang nakasulat sa kanyang tadhana. Akala niya tadhana ang dahilan ng kung anomang nangyayari sa kanya. Sa tuwing masaya, malungkot, galit at sa tuwing nasasaktan siya... ang tadhana ang iniisip niyang dahilan. Pero kalaunan, napagtanto niyang hindi pala ang tandhana ang dahilan. SIYA pala mismo ang gumagawa ng tadhana niya. Ang desisyon niya ang dahilan sa lahat kung bakit iba ang resulta sa nais niyang mangyari. Isang mali o tamang desisyon ay nagpapaapekto sa susunod na henerasyon.. "This can't be fate. It was her choice"