San nga bang nag simulang mag bago ang lahat? Hindi pa ba ako naging sapat para ika'y hindi tumingin sa iba. Maaring ako ang mahal mo pero kailangan mo ba ako?. Saan ba nag kulang? Sino ba ang nag kulang. Ikaw ba o ako? At kailangan ba pag nag kulang ay kailangan hanapin sa iba. Ako yung kasama mo na pinangakuan mo nang mga masasayang salita. Ako ang kasama mong mag plano ng isang masayang alala. Pero bakit tila di na matutuloy ang mga plano. Masaya ka ba? Masaya ka ba sa piling ko o masaya ka sa piling niya. Sa init nang yakap mo ay tila may kulang. May nag bago ba?. Bakit hindi ko naisip na maaring mawala ka sakin. Bakit di ko naramdaman ang mga pagbabago. Bakit di ko nahalata na may mali na. Bakit siya pa... Bakit sa dinarami-rami ng tao bakit siya pa ang naging kaagaw ko. Bakit? Sabihin mo sakin kung bakit. Tadhana bakit ganito ang binigay mong kapalaran sakin. Napaka lupit mo sakin. Bakit ako pa ang binigyan mo ng ganitong pagsubok. Bakit pa tumibok ang puso ko sakanya kung magiging ganito lang ako. Wasak, durog na durog ako na tila ay di na makaka ahon sa tindi ng kapalaran ko. Pakiramdam ko ang buhay ko ay isang masakit at malungkot na kwento sa isang storya. Na tiyak na mapapasabi ka ng salitang ' I can be your prologue until your greatest epilogue comes'. Masaktan man ako nang paulit ulit pero nais ko lamang sabihin saiyo to. Pwede bang ako na lang, ako na lang ulit.All Rights Reserved