I Love You (3 Words And 8 Letters) Published Under Paperink Publishing House
Sa isang party nagsimula ang lahat-ang gabi ng pagkakakilala nina Edmon at Charlene. Isang titig lang, at tumigil ang puso ni Edmon. Mula noon, hindi na niya pinakawalan si Charlene. Naging magkaibigan sila hanggang sa tuluyang mahulog ang loob sa isa't isa. Ngunit may lihim si Edmon-ang tunay niyang edad.
Paano kung isang araw malaman ni Charlene na mas bata pala si Edmon ng sampung taon? Magbabago ba ang lahat? May lugar pa ba ang pag-ibig kapag katotohanan na ang humadlang?
Sa pagitan ng damdamin at realidad, ipaglalaban ba ni Edmon ang pag-ibig nilang puno ng pangamba? O tuluyan nang magwawakas ang kwento nilang sinimulan sa isang simpleng ngiti?
Tunghayan ang nakakakilig ngunit masakit na kuwento ng pag-ibig na sumubok sa hangganan ng panahon at edad - "I LOVE YOU (3 WORDS)", kuwento nina Edmon at Charlene.