Naramdaman kong nakuryente ang aking palasinsingan kaya napatingin ako rito.
Unang beses...
Sa haba ng pag hihintay ko, sa wakas ay nangyari rin ito saakin. Sinundan ko ang pulang tali, walang pakialam kung saan man ako dalhin nito.
Kung sino man ang nasa kabilang dulo ay pinaka importante sa lahat. Nangingibabaw ang galak na nararamdaman ng aking puso dahil sa wakas ay nangyari rin ang pinaka hihintay ko.
Ang matagpuan ang para sakin.
At para lamang saakin.
Buong puso ko siyang tatanggapin at ibibigay sa kanya ang aking sarili dahil iyon ang dapat na mangyari.
Natatanaw ko na ang kanyang likuran nang mapahinto ako sa pagtakbo.
Ang galak na aking nararamdaman ay napalitan ng gulat... at takot.
"I-ikaw..." hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Bakas din ang gulat sa kanyang mga mata ngunit agad itong nawala at napalitan ulit ng kanyang malalamig na titig.
Hindi... Hindi ito pwedeng mangyari...
Beautiful liar
By:
Sa panahong nagbago na ang lahat sayo.
Sa bagong yugto ng iyong buhay
Paano kung muling magtagpo ang inyong mga landas.
Ano ang gagawin.
Ang dating panget ngayon ay gumanda na
Ang dating nilalait ngayon kinagigiliwan na ng ibang tao.
Ang dati kong ginugusto, ngayon hindi mo na gusto
Ang dating walang paki-alam sayo biglang magkaroon ng pakialam sayo.
Ang dating hinahayaan ngayon iiingatan na.
Pano kung ikaw at ang lahat sayo ay nagbago kasabay non ay magustuhan ka na ng taong dating hindi ka pinapansin. Ano ang gagawin mo?
Pano kung sa muli niyong pagkikita ikaw naman ang kukulitin niya............para lang mapansin mo sya.
Muli ka kayang susugal?
Muli kayang manunumbalik ang pag ibig?Pano na ang pusong nasaktan? Maniniwala ka ba uli?Pano kung hindi pa rin pala pwede.
Pano kung this time ikaw naman ang ipaglaban niya. Maniniwala ka pa kaya.
Pano kung mahal ka na niya pero yung puso mo ay nagsasabing hindi mo na sya mahal?
Paano kung masaya ka na sa pag-iisa? Masaya ka ng ikaw lang?Papasukin mo ba sya uli sa buhay mo?.
Paano mo haharapin ang taong minsan ka ng sinaktan?