
Walong taong gulang si Gerald ng maghiwalay ang mga magulang nito. Mula noon ay hindi na siya naniniwalang may panghabang buhay na pagmamahal. Naging sarado ang puso at kailanman ay hindi nagpapasok ng kahit na sinuman sa pag-aakalang mauuwi rin lahat sa kung paano natapos ang pagmamahalan ng kanyang mga magulang. Nang iwan siya ng mga magulang ay masuwerte parin siya ng ampunin at pag-aralin siya ng kanilang kapit bahay kapalit ng pagtulog sa kanilang taniman ng carrots, repolyo at patatas. Minsan ay kalahating araw nalang siyang pumapasok sa eskwela upang makapagtrabaho sa hapon. Ganon paman, nakapagtapos parin siya ng high school bilang valedictorian. Bago mag migrate ang umampon sa kanya sa UK, ay hinikayat nila itong mag exam ng PMA upang makapag-aral ng libre at agad na magkatrabaho. Dahil sa pagsisikap ay nakapagtapos nga siya. Masaya ngunit wala siyang sinumang mapagsasabihan o mapagbabalitan ng kanyang nakamit. Nakapagtapos ng kolehiyo ngunit sa isip niya, siya parin ang dating walong taong gulang na bata. Walang halaga dahil walang nagmamahal sa kanya. Iniwan ng magulang- walang mararating. Kung kaya't sa kabila ng mga trabahong inooffer sa kanya ay hindi niya tinanggap. Bagkus nagpatloy siya sa kanyang mga part-time jobs, sa gabi naman ay inom at sex. Tuluyan na ngang napariwala kahit naging maayos ang kanyang simula. Ngunit isang gabing magising siya mula sa kama kasama ang pinakamagandang babaeng nasilayan niya sa buong buhay niya, matapos ang mainit nilang pagtatalik ay nakaramdam siya ng di maipaliwanag na damdamin na kailanman ay hindi niya pa nararamdaman. Hinid lang dahil sa ganda nito, kundi pati narin sa ugali ng dalaga. Mababago ba nito ang pananaw niya sa pag-ibig?Todos los derechos reservados
1 parte