R18 Mature Content Scenes and conversation may not be sitable for young readers. Si Marabell Cordonova ay may kakambal. Magkamukha man sila ay may pagkakaiba pa rin ang kanilang personalidad. Isang araw ay nalaman nilang may sakit si Mira, ang kakambal niya at malubha ang kalagayan nito. Wala silang pera na sasapat sa pagpapa-opera dito dahil mahirap lamang sila at sapat lamang sa kanila ang kinikita ng kanyang ina. Kaya gagagawa ng paraan si Mara para mapagamot ang kanyang kakambal kahit na sa maling paraan. Hanggang sa ang pagiging stripper niya sa club ay kanyang bibitawan para tanggapin ang offer ng isang lalaki kapalit ng isang milyon. Dahil nais niyang makawala siya sa ganoong trabaho ay tinanggap niya ang offer nito bilang personal maid ng isang lalaking kasing tigas ng bato ang puso. Para paibigin at upang makawala ito sa pait ng kahapon na dulot ng pagkawala ng fiancee nito. Paano kung lantaran siya nitong inaayawan dahil sa nalaman nito ang dati niyang trabaho at paulit ulit siya nitong iniinsulto pati na ang kanyang pagkatao? Makakaya niya kayang baguhin ang lalaking unti-unti na niyang minamahal?