Amari Clavious doesn't really believe in the Red String of Fate, or more so bitter lang talaga kasi siya.
With her age of 16, lalo na sa panahon ngayon, iisipin mo nagkajowa na siya at nakaranas ng 'love' but Amari, stayed single. And when someone liked her, she was too late to like them back.
So yeah, Amari Clavious is bitter.
But then what happens when the bitter Amari wakes up na may nakataling ibat ibang kulay ng sinulid sa hinliliit niya, and what if she suddenly sees the whole world, full of it?
The ground barely visible, strings that extends to the sky all tangled together, how is Amari supposed to find the other end of her string?
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.