Ang tao maraming pangangailangan yan. Maraming hinahanap. Maraming batayan. Maraming kundisyon at maraming dahilan ang hinahanap bago pa niya mahalin ang taong napili niyang mahalin.
LOVE is a choice. Kung gusto mong magmahal, piliin mong magmahal. But choosing the one you should love is not love. Ang love kasi hindi man biglaan pero mararamdaman mo din yan. Hindi mo mapipili kung kanino ka maiinlove o kaninong kalandian ka bibigay. Parang eksena nga naman yan sa jeepney gaya ng sabi ni Mr. Bob Ong, maaari mong piliin kung saan ka uupo pero di mo maaaring piliin kung sino ang tatabihan o makatatabi mo.
Minsan sa buhay natin, hindi na natin kailangan pang humanap ng pagmamahal. It is within ourselves. Its already around us. Kailangan mo na lang maappreciate. Parang ang concrete door, hindi mo na kailangan pang humanap ng ibang papasukan, iappreciate mo lang yung pintuan na naghihintay na buksan mo na hindi mo makitakita dahil humahanap ka pa ng iba.