Ang buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang. Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng takot ang mga tao, sa pamamagitan ng pagpapatunay na ang misteryong nakabalot sa taong iyon ay hindi dapat nilang katakutan at doon ay nagsimulang gumulo ang buhay niya. Napakaraming kwestyon sa kaniyang isipan, ngunit mas pinili niya na lamang na mamahimik. Kahit na natatakot ay mas pinilit na lamang subukan. BEHIND THAT MASK Isinulat ni Kyeries