Namulat ako sa pamilyang simple, yun bang masaya kahit hindi mapera. Lumaki ako ng nasa piling ng mga magulang ko . Mga gabay at payo nila ang naging inspirasyon ko upang ituloy ang buhay dito sa mundo ko, na pag walang kilos walang success. At masasabi ko talaga na sa buhay hindi pulos katamisan lang dahil hindi ka matututo at magiging matapang kung walang kang kapaitan na pagdaraanan. Hindi ka magiging masaya kung hindi ka susubok at susugal, hindi ka magtatagumpay pag nagpa alipin ka sa hirap at higit sa lahat hindi ka makakaahon sa pagkadapa kung mananatili kang mahina. Marami na akong nakasalamuhang tao, madami na din akong naging kaibigan. Masaya ang buhay ko sa loob ng halos ilang taon nga lang biglang nagbago ng subukan kong pumasok sa hindi ko kamundo.
More details