Mataas ang standard ni Andrea pagdating sa mga lalaki. Well, bakit nga ba hindi? Andrea Del Juanco is a very well-known actress. Nasanay siyang mamuhay sa mga mamahaling bagay mula noong pagkabata pa lamang. She set standards in everythingㅡNo. She is the standard. Ultimo leading man niya ay siya ang pumipili. But not until she met the hot mechanic, Damien. Isang hamak na mekanikong sumira sa standard niyang "ideal man". Ewan niya ba, iba talaga ang lakas ng karisma ng binata, kahit sino ay malalaglag ang salawal kapag napatingin dito. She couldn't help but admire his oh-so yummy body! Plus pa ang napaka-mui gwapito nitong mukha! Dadaigin pa nito ang mga male models na nakabalandra sa mga billboards sa EDSA. Bwisit lamang siya rito dahil sa malakas na pang-aalaska nito sa kanya araw-araw. Hindi ata matatapos ang araw na hindi puputok ang butse niya dahil sa binata. Marami ng mga lalaki ang nagtangkang manligaw sa kanya ngunit nabigo lamang ang mga iyon. But in the thinking of Damien courting her? No. A big NO. Kahit pa ibalandra nito sa kanya ang ulalam nitong katawan ay hindi niya ito magugustuhan. She does believe that no woman in their family will lower their standards. Ngunit mapipigilan ba ang pusong gumagarutay? Kung sa araw-araw niyang nakikita at nakakasama ang gwapitong mekaniko ay unti-unti na ring nahuhulog ang kanyang puso rito. Pero sino nga ba si Damien? Bakit tila isang misteryo ang pagkakakilanlan at pagkatao nito? Baka bumaliktad ang mundo ni Andrea sa oras na malaman niya kung sino ang totoong Damien Fuentes.