PAMBUNGAD
Ako ang nagsulat sa mga kathang nakasulat, ngunit hindi akin ang katha at lalong hindi ako ang manunulat, ang Diyos ang siyang tunay na may Akda.
Mula sa aking pag-aaral ang aking kaalaman, ngunit mula sa Kanyang kaalaman ang aking pag-aaral.
Mula sa aking karanasan ang aking karunungan, ngunit mula sa Kanyang karunungan ang aking karanasan.
Mula sa aking buhay ang naibahagi kong katotohanan, ngunit mula sa Kanyang katotohanan ang naibahagi kong buhay.
Mula sa aking damdamin ang pintig ng pag-ibig, ngunit mula sa Kanyang pag-ibig ang pintig ng aking damdamin.
Mula sa aking pagdarasal ang taimtim kong pananampalataya, ngunit mula sa Banal na pananampalataya ang taimtim kong pagdarasal.
Pag-aaral at kaalaman. Karanasan at karunungan. Buhay at katotohanan. Damdamin at pag-ibig. Pagdarasal at pananampalataya. Ito ang daloy nitong pagsusulat.
Ako man yaring nagsulat, hindi ako ang manunulat; dahil ang Diyos ang may Akda: Siya ang Salita.
Tanging adhika; nawa ito'y maging tulong-gabay sa kwentuhan at pagbabahaginan tungo sa Mabuting Balitaan.
Kaya ako po'y nagpapasalamat sa Panginoong Lumikha sa oportunidad na maibahagi itong aking nilay sa Lingguhang Ebanghelyo.
Maraming salamat din po sa mga tumulong at sumuporta: Sa aking mentor, Fr. Jim Lara. Sa bagong kaibigang pari, Fr. Elmar Cabunot. Sa Visitation of Our Lady Parish. Sa VOLP-BEC Bukluran. Sa VOLP Staff. Sa aking mga kapatid, kamag-anak, at mga kaibigan. At sa aking pamilya; kay Shanie, kay RG, kay Yeye, at kay Ynchang.
Sa inyo po ako humugot ng inspirasyon. Kaya kaisa ng lahat, ito'y para sa ikadadakila ng Poong Maykapal!
- maxbalatucanbautrojr
Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)
53 parts Complete
53 parts
Complete
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang.
Mga nilalang na tanging sa imahenasyon mo lamang makikita.. Ano nga ba ito?
Handa ka na bang pasukin ang misteryo ng paaralang ito?
University where lots of secrets to untold!
🏆Highest Rank Achievement🏆
#1 in Spiritual
#1 in Mystery
#1 in God
#1 in Sacrifices
#1 in Heaven
#2 in Angels
#2 in University