DALAWANG BANGKAY NG LALAKI SA SEMENTERYO.
ISANG MENSAHE NA HANGO SA LYRICS NG ISANG KANTA.
ISANG PULIS ANG NAKATAKDANG TUMAPOS NG LAHAT.
Dalawang lalaking pinaghihinalaang mga kolboy ang natagpuang patay sa isang sementeryo, at ayon sa paunang imbestigasyon ay iniuugnay ito sa mga naunang pagpatay sa mga lalaki sa buong siyudad—lahat ng biktima, nakagapos na parang hayop, pugot ang mga ulo, at isang papel na nakadikit sa kanilang mga dibdib kung saan nakasulat umano ang mensahe ng suspek na hango sa isang sikat na kanta.
Isang imbestigasyon ang sinasagawa ng pulisya na pinangungunahan ni PO3 James Lontoc, kasama niya ang isang team ng forensics ng Philippine National Police sa pangunguna ni Inspektor Natalie Fernandez. At habang nasa kalagitnaan ng imbestigasyon, isang misteryosong psychologist at miyembro ng Spanish Intelligence ang makikipagtulungan sa kanila para mahuli ang notorious na serial killer na si Mister Nice Guy na isa sa most wanted ng Interpol. Sa tulong ng psychic niyang pamangkin, unti-unting didiskubrihin ni Lontoc ang misteryo sa likod ng pagpatay ni Mister Nice Guy, kasama na ang mga iniingatang sekreto ng 800-taong gulang na kapatiran na kinabibilangan nito.
Ang nobelang Quiero Amarte Hoy (I Want To Love You Now) ay naunang sinulat ni Jemonde Sébastien, gamit ang alyas na Harry S. Parker, sa wikang Espanyol noong siya’y 18-taong gulang pa lamang at estudyante sa Instituto Cervantes (2006). Nailathala ito sa internet at isa sa mga inabangan ng mga netizens sa Latin America, lalo na sa bansang Colombia. Bukod sa Quiero Amarte Hoy, inabangan din sa internet ang kanyang nobelang El Hijo de Judas (Son of Judas) at Miranda. Samantala, sinalin ni Jemonde sa wikang Filipino ang kanyang nobela noong 2008 para ilahok sa Don Carlos Palanca Awards in Literature, novel division.
Manunulat din si Jemonde ng mga Tagalog Romance novels.
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sullivan, the girl he is willing to save from a rogue soul no matter what it takes.
***
After taking over a private investigator business, Lawrick Stryker makes a name for himself in the city of Creos. His cases have a hundred percent success rate, but solving them comes with a hefty price. Clients pay no matter the cost, and Lawrick makes the most of it, for he can find anyone here and in the afterlife. He usually dissociates himself from his clients, but when he meets company heiress Alvis Sullivan, all hell breaks loose. Now interested in the correlation of Alvis to the recent deaths in Creos, Lawrick decides to make a move. Can Lawrick solve this case and catch the rogue soul wreaking havoc in Creos before it's too late?
Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.
Cover design by Louise De Ramos.