Ito ang reyalidad, kailangan mong sabayan ang agos ng panahon nang hindi ka mapaglipasan. Malalaman mo ang katotohan,ngunit mapapaisip ka kung ito'y tunay nga ba o sadyang likha lamang upang may mapag-usapan.Ang bawat katagang makikita mo sa loob ng aklat na ito ay hinango sa hindi mo malalaman kung saan, hanggat hindi natatapos ang mga kabanata. Maraming katanungan ang babagabag, maghintay ka,lahat ng iyan ay may kasagutan. Makikilala mo ang tunay na katunggali sa mundong iyong ginagalawan,at makikita mo na tama ang iyong pag-aalinlangan. Ipaglalaban ang karapatang pantao nang walang pagdadalawang-isip, isisigaw at ipapabatid sa mundo, itigil na ang kawalangyaan. Panahon na upang magwakas ang dapat magwakas.