Gwapo, macho at talaga namang makalaglag panty. Ilan lang iyan sa mga bagay na makakapag-describe kay Hero Yamada, ang pinakasikat at pinaka-in-demand na heartthrob na tinitilian at pinapantasya ng mga kababaihan at kabaklaan. Pero para kay Ginny Sison, wala siyang makitang special quality sa sikat na artistang kinahuhumalingan ng lahat. Hindi siya mababaw para lang maakit sa panlabas nitong katangian. Para sa kanya, mukhang mayabang at playboy si Hero Yamada. Idagdag pa dito na hindi siya nagalingan sa pag-arte nito sa una at huling pelikula ng aktor na pinanood niya. Never, as in NEVER siyang kikiligin kay Hero Yamada at NEVER niya itong papansinin kahit pa makita niya ito sa personal. Ngunit mapagbiro ang tadhana, naging Personal Assistant siya ni Hero. At parte ng trabaho niya ang araw-araw at oras-oras na makasama ito. And worst of all, siya ang personal na mag-aasikaso sa mga pangangailangan ni Hero! Mapanindigan kaya ni Ginny ang sariling pangako na hindi kiligin sa charisma ni Hero? Pero bakit bumibilis ang pintig ng puso niya pag tinititigan siya ng aktor?All Rights Reserved
1 part