Ang kwentong ito ay tungkol sa isang tao na nagmahal pero pinaniniwalaan niyang imposibleng mamahalin rin siya nito, dahil bukod pa sa pareho silang lalaki ay magkalayo rin ang mga mundo nila, at hindi siya napapansin ng taong mahal niya kahit sa sobrang lapit na pagkakataon. Lingid sa kaalaman nung lalaking lihim niyang hinahangaan at minamahal na labis labis niua itong napapasaya tuwing nasisilayan siya nito kahit sa malayuan lang. Sa hindi inaasahang pagkakataon at nakakuha siya ng pagkakataon na sana maipakilala na nito ang sarili niya sa lalaking mahal niya ngunit mas pinili nito na magpagpanggap na lang bilang isang taong hindi naman siya kundi isang babae. Naging masaya siya sa pagpapanggap na iyon, napaibig niya yung taong mahal niya sa katauhan ng iba. Hanggang sa nagiba ang takbo ng pagkakataon at sumalungat ito sa paniniwala niyang hindi siya mapapalapit sa taong minamahal niya. Hindi niya kailanman inasahan na isang tao lang pala na malapit sakanya ang magiging dahilan ng pagliit ng mga mundo nilang dalawa. Dahilan kaya hindi rin nagtagal ay kailangan niyang huminto mula sakanyang pagpapanggap at harapin ang katotohanan.All Rights Reserved