Karagatan ang kaniyang naging kanlungan, at doon niya rin makikikilala ang isang nilalang na siyang babago sa kaniyang buhay at pananaw sa reyalidad. Si Christina ay lumaking maganda at successful na dalaga, ngunit sa kabila nito ay minumulto pa rin siya ng pangyayaring nagdala sa kaniya sa bingit ng panganib ilang taon na ang nakalipas. Sa loob ng labing-pitong taon pinilit niyang isantabi ang pagnanais na makilala ang nilalang na sumagip sa kaniya, at hinayaan na lamang itong maging parte ng panaginip na sa pagpikit ng kaniyang mga mata lamang nasisilayan. Ngunit paano kung muling pagtagpuin ng tadhana ang mundo niya at ng kaniyang tagapagligtas. Sa pagkakataong 'to ay ito naman ang nangangailangan ng pagsagip mula sa kaniya? Handa ba si Christina na itaya ang sariling buhay para sa misteryosong nilalang? Posible kaya na umusbong ang mas malalim na antas ng koneksiyon sa pagitan niya at ng lalakeng hindi niya ka-uri?All Rights Reserved
1 part