Jullianna Capistrano (Daughter of Angela and Mael of Owning Her) Gavin Melchor (Son of Sabrina and Gabino of The Crazy Tease) _______________ "Who are... you?" Kumurba sa isang ngiti ang mga labi nito. Miski ang ngiti nito ay pamilyar sa akin. "I am the woman you should love..." she said. Her voice was different. It seems she use some gadgets to change her voice. Dumako ang mga mata ko sa leeg nito at nakita ko ang isang bilong na patch na nakadikit doon. "Why would I?" tanong ko rito. Nawala ang ngiti nito sa mga labi. Ngunit saglit lang at muli iyong bumalik, and it's a wicked smile. Parang gusto kong kilabutan ngunit kabaligtaran ang nararamdaman ko. I felt giddy and excited. Para akong batang may bubuksang bagong laruan. Yumuko ito at bumulong sa aking tainga. "Because I say so..." malambing nitong bulong, and Mary mother of goddamn Jesus, gusto kong mapapikit sa mainit na buga ng hininga nito sa aking leeg, kung hindi ko napigilan ang aking sarili baka may kumawala ng ungol sa aking bibig. Nagtunugan ang kadenang nakatali sa 'king magkabilang kamay nang tangkain kong hawakan ito. Nawala sa isip kong nakagapos ako. Napatiim ang aking bagang kasabay ng isang lihim na ngiti. Alam ko na kung sino ang kidnapper ko. Isang taong kilalang-kilala ko. Ang babaeng pinapangarap ko. Ngunit may isang tanong na naglalaro sa isipan ko... Bakit ako ang kinidnap niya, at hindi ang kakambal ko na siyang kinababaliwan niya?