Sabi nila, ang unang pag-ibig daw ang unang magtuturo sa iyo kung paanong magmahal nang tunay at totoo. Hindi rito naniniwala no'ng una si Fidel Dario Villaantonio, ngunit nang maranasan niyang umibig sa dalagang si Shiela Leilani Vhazarde, ay nagbago ang kaniyang pananaw. Noo'y hindi siya nagpapabango bago sumimba, hindi nagsusuklay bago umalis ng bahay, at hindi ngumingiti kapag nagsasandok ng kanin; ngunit nang makilala niya ang babaeng magpapabago ng buhay niya, tila ang imposible ay naging posible. Ngunit, matapos ang moving up ceremony nila, biglang nawala si Shiela, at napadpad ito sa lugar na mahina ang koneksiyon ng internet. Sinukat nito ang hangganan ng kanilang pag-iibigan, makakaya kaya ni Fidel na hintayin siya sa kaniyang pagbabalik, o kung may hihintayin pa nga kaya siyang bumalik?All Rights Reserved