BEAST ang tawag sa kanya noong bata pa siya at noong maging nung naging hayskul. Maitim, mataba, bansot, kulot, maraming peklat sa katawan dahil kagagaling lang nito sa pagkakaroon ng bulutong. Para kay Gabbi, ayos na sana kung PANGIT lang ang tawag sa kanya pero bakit ganun pa? Ganun na ba talaga ang itsura niya? Lahat ng panlalait at pang-aapi ay naranasan niya. Dumating sa puntong sobra na ang pagpapahiya sa kanya at sa harap pa ng lalaking gusto niya, ngunit sa halip na tulungan siya ay pinagtawanan at nailait pa ito. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon, napagdesisyunan niyang lumayo at magbago. At makalipas ang dalawang taon handa na siyang bumalik ulit. From BEAST turns to BEAUTY... Sisiguraduhin niyang sasambahin siya ng mga to. Ngunit? Paano kung mas lalong gugulo pala ang buhay niya sa muli niyang pagbabalik? Ano nga bang gagawin niya?