Year 2051, ang araw kung saan ang teknolohiya ay makabago at haytek na sa nagdaang panahon. Angat sa lupang bahay, transportansyong nagliliparan, at kalupaan na punong puno na nang hayop at halaman. Maski polusyon sa hangin 'di mo na alintana dahil sa mga nagkalat na Technofil - isang machine na kayang palitan ang dumi sa hangin at gawin itong malinis at sariwa. Sa mundo ko masasabing ang karangyaan ay laganap. Pero para sa 'kin? Isa 'tong walang kwentang panahon na halos ang pagtingin sa kahirapan ay dumi ng mundo. Ang lokasyon ng mga mahihirap ay nasa pampang at ang mayayaman nama' y nakapaibabaw sa higanting poste. Ang mayayaman ay may sariling pinagkukunan ng tubig samantalang ang mahihirap ay nagtitis sa tubig pampang. Meron ding sariling sasakyan ang mayayaman na kayang bagtasin o liparin ang napakalalayong lugar ngunit ang mahihirap naman ay di tulak-hayop ang paraan pangtransportasyon. Nanggaling ako sa mahirap na pamilya. At dahil sa hindi patas na pagkakakilanlan, nagrebelde ako at nagdesisyong magpanggap na mayaman upang makatungo sa lugar ng mga social. Sa tulong ng genius kong kaibigan, nakagawa sya ng card para maka-access sa mayayaman. Card para makapasok sa kaloob-looban. Maraming bantay sa mundo ng mayayaman. Kailangan ko lang to malagpasan para makausap ang mayor at masabi ang hinaing ko. Sa di sinadyang pagkakataon, pagkatapos kong makapasok, ay napunta ko sa lab ng mga scientists. Nakita ko ang mga imbesyong bagong gawa pa lamang. At ang mas pumukaw sa akin ay isang malaking bilog na tine-testing nila. Isang time machine. At dito na nga magbabago ang lahat. Mapupuntahan ko ang panahong magsisismula palang ang makabagong teknolohiya. Ang taon kung saan makikilala ko ang taong mamahalin ko ng di ko inaasahan. Ngunit, ang trahedya ang magiging hadlang. Magiging dahilan kung bakit ang pag-iibigan ay mawawala nang di mo rin inaasahan.All Rights Reserved