Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya. Luna Rossa Written by Knight Phantom © All Rights Reserved 2021