Dosage of Serotonin
  • Reads 29,950,086
  • Votes 1,199,077
  • Parts 47
  • Reads 29,950,086
  • Votes 1,199,077
  • Parts 47
Complete, First published Mar 12, 2021
Mature
Started: 04/27/2021
Ended: 08/24/2021

Ang hirap palang tumanda. 

Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka.

Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa.

Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. 

Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama.

Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa.

Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. 

Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. 

Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano.  

Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
All Rights Reserved
Sign up to add Dosage of Serotonin to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Taming the Waves (College Series #2) by inksteady
48 parts Complete Mature
PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2020 Ended: 11/18/2020 Elora Chin Valencia grew up in a toxic Christian family where she was viewed as the black sheep. Araw-araw ay ipinaparamdam sa kanya ng mundo na wala siyang lugar sa sarili niyang tahanan. She was a consistent dean's lister and an obedient daughter, which left her wondering what she had done so wrong to be disregarded as a speck of dust in the wind. They made her feel like she was just dirt, filling up the empty space. The one who would never have her own safe place. Feeling all of this contributed to her endless suicidal ideations. Baka nga tama sila. Baka nga wala siyang halaga at kailanman ay hindi na sasaya. She almost believed that. She almost held onto that notion. Not until she met the man in his BS Civil Engineering uniform and gorgeous grin, Troy Jefferson Dela Paz. He kissed her forehead, and her loud thoughts were silenced. Her demons calmed down. Her foes were defeated. For the first time in her life, she had proven her family wrong---a happy Elora Chin was possible. She was loved and well-taken care of. Troy embraced her sharp parts, not minding the wounds he might get. But fate had a lot of cruel things in store for her. Because when she thought she had reached the peak of happiness, she found myself drowning alone in the ocean she now called home, alone in her shame, alone with the waves she couldn't tame.
You may also like
Slide 1 of 20
Risking the Regrets (Iraya Series #1) cover
GETTING CLOSER [COMPLETED]  cover
When Love Is Wrong (HANDSOMELY COMPLETED) cover
Monasterio Series 9: Enslaved by Her Innocence cover
Not Every Queen Needs A King (Royal Series #2) cover
My XL Boss cover
WEDDING GIRLS 20 - Sydney cover
With You It's Toxic (DH 5 || Completed) cover
Living Under The Same Roof cover
Love's Silent Debate cover
Ain't No Other cover
Between the Rainbow (Strawberries and Cigarettes Series #1) cover
A Solace of Chaos Hearts  cover
Taming the Waves (College Series #2) cover
In the Midst of the Crowd (Loser #1) cover
To Take Every Chance (Sta. Maria Series) cover
Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) Comp cover
Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2) cover
Chasing the Sun (College Series #1) cover
✦ PAHIMAKAS ┋SB19 JUSTIN cover

Risking the Regrets (Iraya Series #1)

9 parts Ongoing Mature

Iraya Series #1 The Iraya Series is inspired by Iraya-Mangyan (Indigenous People) of Oriental Mindoro. The journey of neglect, beauty, uniqueness, ignorance, vulnerabilities, calm, and peace. As the saying goes, too much gets harmful. Leads into decisions that will never be forgotten by their judging hearts.