[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] Limang taong nakapiit si Trinity sa lugar na hindi tukoy kung saan ang pagdurusa ay walang hanggan. Dahil sa sakit at galit na nadarama ng isang babaeng kilala sa pangalang Delaney ay natawag siya nito't napalaya. Ibig sabihin ay kinakailangan niya itong tulungan sa ninanais nitong hustisya para sa kapatid na ginahasa't pinatay. Bilang kabayaran sa kalayaang binigay ng dalaga sa kanya, ipagkakaloob niya dito ang hustisya sa pamamagitan ng kanyang batas. Batas na kung anuman ang iyong kinuha ay siya ring kabayaran.