Tomboy ang madalas na bansag kay Tatiana. Palibhasa ay mahilig siya sa sports lalo na ang basketball. At ang mga kaibigan niya ay kilalang basagulero sa kanilang kanto pero sa totoong buhay takot sila sa kanilang mga nanay. Pero nang makilala ni Tatin si Roy, ang dating tigasin ay biglang nag feeling girly. Trying tuloy siyang maging very feminine and fashionable. Handa pa nga siyang mag panggap na mahinhin at hindi maka basag pinggan at sobrang masunurin sa ina kahit ang totoo ay isa siyang suwail na anak. Medyo. Pero huli na nang malaman niya ang tipong babae ni Roy ay para siyang pinagsukluban ng langit. Ang pagbabago pala niya ay walang silbi dahil ang gusto nito ay yung katulad ng dating siya. Hindi mahinhin, walang arte at higit sa lahat ay katulad niyang mahilig din sa sports. Babalik pa ba siya sa dating siya? O, ipagpatuloy ang bagong siya. Anyway, she's getting used to it. And started to like the new Tatiana. A/N: Photo credits to the rightful owner.