Simple lang ang nais na buhay ni Sil. Ang mai-angat sa hirap ang kanyang pamilya. Maipagamot ang lolo niyang may sakit at maitaguyod sa pag-aaral ang nag-iisang niyang kapatid. Pero tila sinuwerte siya dahil higit pa sa simpleng pamumuhay ang nakatakda niyang maranasan. Iyon ay kung papatulan niya ang alok ng isang estranghera sa katauhan ng isang mapang-akit na nilalang. Si Riskiel Montanye. Ang babaeng gwapong maganda na tila ba may mahika kung humalik.