<SHORT STORY> Isang boses na palaging nasa ere ng campus namin. Isang boses na nakakapanindig ng balahibo. Yung tipong napaka-swabe sa tenga na hindi ka talaga magsasawa. Yun ang boses na naging isang misteryo sa amin. Kaninong boses ba yun? Walang nakakaalam. Isang lalaking basta-basta na lang na nagpaparinig sa isang babaeng gusto niya. Sinong babae? Ewan. Basta ang alam lang namin, halos lahat ng babae ay nagiging thrilled na na malaman kung sino siya at para kanino ba siya kumakanta?