"Ano ba?! Sinabi nang busy nga ako, eh!" singhal ko pero ang ugok mas sumiksik pa sa gilid ko.
Kinginang isip-bata 'to.
"Cayen, isa pa, tatalsik ka sa 'kin!"
"Ella naman eh, natatakot nga kasi ako dun sa kwarto ko. May multo ata wahhhhh!" napatakip ako sa tenga dahil sa ngawa nito.
"Edi magpasama ka dun sa unggoy na leader niyo kuno!" wika ko pa at bumalik sa pagsasagot ng assignment.
"Ella, dito nalang ako matutulog pleaseeeee!" nagpuppy eyes pa ang leche na kinangiwi ko.
Alam talaga kahinaan ko!
"Hay, ewan! Bahala ka basta h'wag mong dadaganan si Chippy." paalala ko sa kaniya dahil si Chip ang palagi kong kasama matulog.
Minsan nga lumalayas pa at pumupunta kung sa'n-saang kwarto ng mga asungot kaya naiimpluwensyahan!
"Ayonnnnnn, yeheyyyyyy! Chippy baby, magkatabi tayooooo!" lumundag siya sa kama dahilan upang batuhin ko ito ng notebook, alam na patulog na ang bata!
"Kuya Yayen?" pupungas-pungas na tanong ng bata at umupo mula sa pagkakahiga.
Kinusot-kusot din ng maliliit niyang mga kamay ang mga mata nito.
"Yes baby, magkatabi tayong matulog!"
"Yehey! But where's Kuya Bren, Kuya Dyon , and Kuya Luban?" rinig kong tanong ni Chip at ako na sana ang sasagot ngunit biglang bumukas ang pinto at iniluwa n'yon ang tatlong leche!
"Ang daya, may sleepover pala, 'di niyo kami sinabihan!" si Deon.
"Aba nagkakagulangan na ah!" si Brent.
"Baby Ella naman, dapat sinabihan mo din ako para masolo kita." binato ko ng libro ang huling nagsabi nun.
Punyeta ka Luvan.
Bwisit siya! Bwisit!
"Lumayas nga kayo-"
"It's Luvan's house kaya pwede kami ditong matulog!" putol ni Deon dahilan upang makatanggap siya ng masamang tingin mula sakin.
"Yeah, sleepover time!"
"Ako katabi ni Baby Ella!"
"No, ako dapat! It's my own house, you find yours!"
"Katabi ko si Ella at Chip!"
"Leche!"
-
Date started: March 16, 2021