"Hindi ko naman kailangang makita ang kaniyang mukha. Boses niya lang ay sapat na." ***** Noong una ay paghingi lamang ng tawad ang dahilan ng kaniyang pagbalik. Subalit mapaglaro ang tadhana dahil namalayan na lang niya ang kaniyang sarili na muling bumabalik sa bahay kung saan nakatira ang bagong lipat. Hanggang sa dumaan ang buwan na lagi na silang magka-usap. Magkausap ngunit hindi magkaharap. Nanatiling misteryo para sa kaniya ang mukha ng ka-kuwentuhan. At sa loob ng ilang buwan na iyon ay hindi maiwasang mag-iba ang nararamdaman. Maaari nga bang mahulog ang puso sa isang taong ni-minsan ay hindi mo pa nasilayan? ••••• Started: March 17, 2021 Ended: March 24, 2021