Mula nang mawalan ng paningin si Bert dahil sa isang aksidente ay nagsimula na ring dumilim ang mundo niya. Sa kabila ng pagiging bulag ay nakatagpo pa rin siya ng wagas na pag-ibig na nagbigay kulay sa buhay niya. Ang wagas na pag-ibig ni Luwalhati para kay Bert ang muling nagpasigla sa binata. Kinuha man ng panahon ang paningin ni Bert, subalit hindi naman naging bulag ang puso niya. Sa kabila kasi ng kaalamang naiiba ang dalaga sa pangkaraniwan at kinatatakutan ito ng marami ay minahal niya pa rin ito nang buo at walang pag-aalinlangan. Natutunan ni Bert na ang dalisay na pag-ibig ay hindi nangangailangan ng paningin. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay pilit hahadlangan ng kanilang magkaibang istado. Pipiliin pa kaya nilang ipaglaban ang pag-ibig na kanilang nasimulan o mas pipiliin nilang itigil na lamang ang kanilang pagmamahalan?
Подробнее