Ang Alamat ng Mirasol
  • Reads 637
  • Votes 56
  • Parts 9
  • Reads 637
  • Votes 56
  • Parts 9
Complete, First published Mar 18, 2021
Si Sencio Mercado ay isa sa mga pinakamagigiting na mandirigma sa napakayamang Kaharian ng Maharlika. Sa taglay niyang kisig at lakas ay maraming mga alipin ang nakamata sa kaniya. Sa kabila noon, may isang mahalimuyak na mirasol ang tinitingala ng binata na kilanman ay hindi siya nagawang pansinin.

Ang mirasol na ito ay si Perfecta Realonda. Ang magandang dalaga ay anak ng datu na naghahari sa nasabing kaharian. Napakaraming prinsipe mula sa iba't ibang kaharian ang nanligaw sa kaniya, ngunit tila may bigat sa loob ng binibini na pumipigil sa kaniyang magmahal.

Nang magsalubong ang landas ng dalawang pusong uhaw sa pangangalaga ay tila naging kasing tingkad ng araw ang kanilang mga ngiti. Bagaman napakaraming humahadlang, ang isa't isa ang naging pahinga ng dalawa.

Ngunit dahil sa taglay na yaman ng Kaharian ng Maharlika ay pinagtangkaan itong sakupin ng Kaharian ng Espanya. Magagawa kayang manaig ng pagmamahal sa gitna ng nakagigimbal na kaguluhan? Maililigtas kaya ng kampo nina Sencio ang kanilang lupain? 

Tunghayan ang kuwento ng isang maalamat na pagmamahal: Ang Alamat ng Mirasol.

so much
All Rights Reserved
Sign up to add Ang Alamat ng Mirasol to your library and receive updates
or
#19datu
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Penultima cover
Dear Binibini cover
Socorro cover
Lo Siento, Te Amo (Self-Published under Taralikha) cover
Babaylan cover
M cover
Arisia Lives As A Villainess ✔ cover
Segunda cover
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books) cover
Bride of Alfonso (Published by LIB) cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos