Taong 1865, anim na taong gulang pa lamang ay ulila na sa mga magulang ang ngayo'y desa-sais anyos na si Cynthia. Buhat noon ay siya na ang tumataguyod na mag-aruga sa kaniyang Lola Maura na siyang nag alaga sa kaniya sa mahabang panahon. Bagaman maayos ang pamumuhay nilang dalawa, tila impiyerno naman ang kalagayan ng buong nayon sa hindi maipaliwanag na patayan at kaliwa't kanang pagkawala ng mga tao. Isang malaking palaisipan sa lahat ang pagtambad ng iba't ibang karumal-dumal na pagkitil ng buhay sa kalapit na tahanan ng mag-lola. Isinisisi sa matandang si Lola Maura ang malas at siyang itinuturing na salarin sa pagkamatay ng mga tao. Sa kabilang banda, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang matandang si Lola Maura ay may lihim na hindi niya maaaring ilahad sa lahat sa kadahilanang ito ang makakasira sa iisang kayamanan nito sa buhay niya. Ngunit mananatiling lihim na lamang ba ito sa lahat, kung buhay ng maraming tao ang nakasalalay? O baka naman siya talaga mismo ang kumikitil ng buhay sa hindi maipaliwanag na paraan at dahilan? Isa lang ang sigurado kung makakasama mo si Lola Maura. "Huwag kang lilingon."
27 parts