Is it enough reason to sell your soul with the enemy of our lord god just because you want to win the heart of the man that you like? Si Abigail De Guzman ay isang pangit na babae para sa ideal face ng ating society. Ngunit dahil sa kanyang galing sa pakikisama, marami padin siyang nakukuhang kaibigan hindi gaya ng sa mga pelikula na ayaw nila makipagkaibigan sa pangit. Maliban pa diyan, marunong kasi siya ipagtanggol ang sarili niya at kaya niya makipaglaban pisikalan man o verbalan. Meron siyang kaklase na ang pangalan ay Margarita Silence. Para siyang isang perpekto dahil maganda, matalino at maraming talent. Maliban pa diyan, isa siyang buhay prinsesa 'yung tipong wala siyang ginagawa sa kanilang bahay maliban sa pag-aaral. Para kay Abigail, hindi deserve ni Maggie ang kung anumang mga magagandang bagay na iyon ang meron s'ya 'pagkat hindi niya gusto ang ugali nito at marami itong nasasaktan na tao. Marami din namang naiinis dito kay Maggie hindi lang s'ya. Mas lalo s'yang nainis kay Maggie nang nagkagusto dito ang kinahuhumalingan niyang lalaki na pinagtitilian ng buong kababaihan sa school nila, si Bryle Albert. Para sa kanya, ganda lang naman ang gusto ni Bryle sa babaeng iyon. Hanggang sa dumating ang araw na nabigyan siya ng pagkakataon upang ipagpalit nila ang kapalaran nila ni Maggie ngunit sa paraan na taliwas sa utos ng diyos. Nabigyan din siya ng pagkakataon upang baguhin ang kaplaran ng kahit sinong tao. Ngunit bago niya makuha ang lahat ng iyan, kailangan niya muna ibigay ang kalahati ng kanyang buhay. Sapat na rason ba na gusto lang niyang mahulog sa kaniya ang lalaking pinapangarap para makipagkasundo ito sa masamang elemento? Sapat na rason ba iyon upang pumanig siya sa kaaway ng ating panginoon? Sulit naman kaya ang pagsasakripisyo ng kanyang buhay para mga bagay na iyan o maghahatid lang sa kaniya ito ng kapahamakan?All Rights Reserved