Napakalakas noong mga panahong iyon ang pagkulog at pagkidlat. Tila nangangalit ang kalangitan dahil sa malalakas na pilantik ng kidlat na sinasamahan ng malakas na hangin. "Uwaaahh! Uwaahh!" Maririnig ang iyak ng isang sanggol at ang kaninang babae na pumapalahaw dahil sa nahihirapang manganak ay tumigil na sa paghiyaw. Nakita niya pa sa huling sandali ang kanyang anak bago ito nawalan ng malay. At ang babae ay tuluyan nang namahinga panghabambuhay. _ Sa labas ng kubo kung nasaan ang babaeng nanganak ay mayroong isang lalaki na may katandaan ang bigla na lamang lumitaw. Bakas sa kanyang mga kilos na siya ay natataranta at tila hindi mapakali. "Ngayon lang ulit ako nakalabas sa Dark Corner. Maaaring hindi na nila ako mahabol pa sa kagubatang ito." "Uwaaaaah! Uwaahh!" Narinig ng lalaki ang iyak ng isang sanggol at agad niyang tinignan ang loob ng maliit na kubo. "Tumambad sa kaniya ang isang sanggol na nababalot pa sa dugo at ang ina nitong wala nang buhay." Hindi pa rin tumitigil ang malakas na kidlat at ulan ngunit noong buhatin ng lalaki ang sanggol upang ito ay balutin sa itim na tela, bigla na lamang kumalma ang kapaligiran. Gaya ng pagkalma ng sanggol ay ganoon din ang pagkalma ng pumapalantik na kidlat at malakas na buhos ng ulan. "Kaawa-awang bata. Marahil mamamatay ka na rin kung walang makakakita sa iyo. Magsisimula ngayon ako na ang iyong magiging lolo." Dito nagsimula ang lahat. Ang pagkamatay ng ina ng sanggol at ang pagkupkop ng isang takas na bilanggo mula sa Dark Corner. Ang Dark Corner ay isang piitan para sa mga mapanganib na mga mago. Ang seguridad dito ay talaga namang mahigpit kaya walang nakakaalam kung bakit ang lalaking ito ay nakatakas nang hindi man lamang napipinsala ng malala. Ano ang naghihintay sa hinaharap? Paniguradong yayanig ang buong kontinente dahil sa paglitaw ng isang hindi mapapantayang henyo. _ _ Copyright ©2022 by Rey__ReyAll Rights Reserved
Napakalakas noong mga panahong iyon ang pagkulog at pagkidlat. Tila nangangalit ang kalangitan dahil sa malalakas na pilantik ng kidlat na sinasamahan ng malakas na hangin. "Uwaaahh! Uwaahh!" Maririnig ang iyak ng isang sanggol at ang kaninang babae na pumapalahaw dahil sa nahihirapang manganak ay tumigil na sa paghiyaw. Nakita niya pa sa huling sandali ang kanyang anak bago ito nawalan ng malay. At ang babae ay tuluyan nang namahinga panghabambuhay. _ Sa labas ng kubo kung nasaan ang babaeng nanganak ay mayroong isang lalaki na may katandaan ang bigla na lamang lumitaw. Bakas sa kanyang mga kilos na siya ay natataranta at tila hindi mapakali. "Ngayon lang ulit ako nakalabas sa Dark Corner. Maaaring hindi na nila ako mahabol pa sa kagubatang ito." "Uwaaaaah! Uwaahh!" Narinig ng lalaki ang iyak ng isang sanggol at agad niyang tinignan ang loob ng maliit na kubo. "Tumambad sa kaniya ang isang sanggol na nababalot pa sa dugo at ang ina nitong wala nang buhay." Hindi pa rin tumitigil ang malakas na kidlat at ulan ngunit noong buhatin ng lalaki ang sanggol upang ito ay balutin sa itim na tela, bigla na lamang kumalma ang kapaligiran. Gaya ng pagkalma ng sanggol ay ganoon din ang pagkalma ng pumapalantik na kidlat at malakas na buhos ng ulan. "Kaawa-awang bata. Marahil mamamatay ka na rin kung walang makakakita sa iyo. Magsisimula ngayon ako na ang iyong magiging lolo." Dito nagsimula ang lahat. Ang pagkamatay ng ina ng sanggol at ang pagkupkop ng isang takas na bilanggo mula sa Dark Corner. Ang Dark Corner ay isang piitan para sa mga mapanganib na mga mago. Ang seguridad dito ay talaga namang mahigpit kaya walang nakakaalam kung bakit ang lalaking ito ay nakatakas nang hindi man lamang napipinsala ng malala. Ano ang naghihintay sa hinaharap? Paniguradong yayanig ang buong kontinente dahil sa paglitaw ng isang hindi mapapantayang henyo. _ _ Copyright ©2022 by Rey__Rey