Napakasuplado at arogante ang tingin ni Medina Cuerpo sa step brother ng kanyang kaibangang si Jimsheen Tagulay-lay. Una silang nagtagpo nang kamuntik na siyang masagasaan ng kotse nito. Pinalampas niya iyon sapagkat alam niyang mayroon din siyang mali. Ngunit hindi pa natatapos ang araw ng muli na naman silang magkita. At sa pangalawang pagkikita nila ay halos mag-amok siya ng away nang sabihin nitong wala raw siyang manners. Mabuti na lamang ay naroon ang kanyang kaibigan, kaya may natitira pa ring pagtitimpi sa kanya. Kahit ganoon pa man, naging sagad hanggang buto ang pagkainis niya sa lalaki. Wala siyang pakialam kahit napakaguwapo pa nito. Kung puwede lang ay huwag nang magkrus pa ang mga landas nila. Pero hindi iyon maiiwas lalo na at step brother ito ng kanyang kaibigan. Kaya gagawin lamang niya ang lahat upang makaiwas dito. Lalo na sa tuwing nagkikita sila ay iba na ang pagtingin niya sa lalaki at tila gusto niya itong halikan. Ngunit hindi puwede ang nais niya lalo na at napag-alaman din niyang kabikabila ang babae nito.